Showing posts with label Stanzas of Stillness. Show all posts
Showing posts with label Stanzas of Stillness. Show all posts

Thursday, January 10, 2008

STANZAS OF STILLNESS


NALALABING HIBLA

Ni Rey Tamayo, Jr.

Minsan ako’y kumubli sa tabing ng ilusyon,
Upang takasan ang nahirating kabiguan.

At ang nagpupumiglas
na luha sa mga talukap ng mata,
ay ‘di ko magawang pigilan sa pagdaloy.

Tanging kong karamay sa aking hirap
Na waring hindi naglilikat, ay ang umid kong tinig
Na humihibik sa pagtangis.

Anupa’t niyayamot ako ng dalamhati,
Nilansag ang buo pulutong ng aking ligaya.

Ang aking mukha ay namamaga sa pagtangis,
at nasa aking mga pilik-mata
ang anino at silo ng kamatayan;

Pilit kong nililimot sa aking isipan,
Ang humuhulagpos na pag-asa
Nang iwan ako ng nalalabing hibla ng buhay.

Wednesday, November 07, 2007

STANZAS OF STILLNESS



Tuloy sa Pagtakbo

Darating ang isang pagkakataon
na ating babakahin ang mga luhang
kikitil ng ating pansamantalang kaligayan.

Tayo'y papasok sa isang saligutgot
na daigdig ng kawalang malay; Upang
tungkabin ang ating ulirat.

Ulirat ng kahapon na susubok
ng ating katatagan sa buhay.

Ngunit, ‘di dapat umatras sa laban
O kaya'y tumalikod sa nakaumang
panganib.

Ating harapin ng buong tapang
at sa dakong huli'y tiyak din ang
ating tagumpay.

Patuloy nating takbuhin ang landas
sa ating harapan.
Kahit na marami pang suligi na
nagkalat.

Tuloy lang sa pagtakbo.
Tuloy ang laban.

______
Rey Tamayo Jr. is from ____.

Thursday, August 16, 2007

STANZAS OF STILLNESS: VANESSA ALPECHE IN FOCUS



Teardrop

I think perhaps I was a teardrop
in some other life;
crystal, fluid, with a rainbow
in each tangential point.

For one second I existed,
heaved one giant breath,
then spilled upon the bowels,
of the brown arid earth.

Through me a splinter of pain
was released into the world;
like light, after the darkness,
dazzling, blinding, then dead.

If you'll ask what I had accomplished
as a tear,
I, ever so humbly,
would only say:

"I once fed the rain."


_________
Vanessa Alpeche is from Publishing, Journals. Teardrop is one of three poetry pieces she submitted for the TULARAWAN exhibit.

Friday, May 18, 2007

STANZAS OF STILLNESS

WASTELAND

Brown cat-sized rats walk the wires
as kids paddle through overflowing sewers
with bits and grime and stench of garbage.
Can a generous splash of alcohol counter foot disease?

Pink-faced babies suckle sagging breasts
while their mothers talk of Rosalinda
swaying her voluptuous hips half a world away.
Life is unfair, she is sexy and beautiful.

Caged fighting cocks crow in succession, in tune
with the shouts of shots, hoots and curses
of men fueled by round and square bottles of Ginebra.
Do they ever get sober?

The sari-sari store is crowded again
by pot-bellied smart alecks, with their bloated
heads and benches shaking from sun up to sun down blaming
the government for the never-ending traffic and oil price hikes.
Who seated them anyway?

Life is easy
for them.
These lives ruled by entropy—
spontaneous, ever in disorder—
this is the law of nature.

Their days will come and go
without books, without order
yet they will persist
to chatter of latinas or smoke their cocks,
to feast on alcohol and complain on tax,
as their kids' stomachs growl
for too less food and excessive parasites
thriving in this wasteland.

Why desire to be in control
when worms in time will devour all things:
from garbage to men,
from lifeless to breathing;
when this world is fated to disintegrate,
to crumble to its end?

Why even bother to dream?


By Dai C. Miranda (Journals)

Awit ng Paghimbing

Hiling ko lang ay kamay
na hahawakan ko magdamag
hanggang maiguhit ng bituin
ang mga bukas magaganap.

Isinilang akong payak sa layaw ng mundo
ang tanging tangan ko’y bukas na isip at pagkatao.
Hinubog man akong tila bakal sa tatag
ang pusong ito’y nanatiling sa hangin naglalayag.

Tanging hiling ko lang ay kamay
na kakapitan magdamag
pagkat di hawak ng bituin
ang mga nais kong abutin.

Binaybay ko ang mundong lunod sa anino at tanong
tumahi ng pag-asa’t pumasan ng mga hamon.
Minsan ay may saya, bukal ang init at lambing
ngunit ang pusong pagal sa paglalakbay nagpatangay na sa hangin.

Tanging hiling ko lang ay kamay
na kakapitan magdamag
pagkat di hawak ng bituin
ang mga nais kong abutin.

Sana ang kamay mo ang tangan ko sa magdamag
upang dalawin ng payapa sa paghimbing...
upang yakapin ng payapa sa paghimbing...


Akda ni Dai C. Miranda (Journals)



LOST IN A MASK

Everyone wears a mask
I make my own
Cardboard, scissors, pens
String, glue, sequins
All kept in a wooden box
Locked by a twisted paper clip
Motionless beside my night lamp
I want it within my reach
I make a mask every night
I need it for tomorrow
I need to wear my mask
My intricately designed mask
Today it’s a mixture
Of blue and purple hues
I removed the red feathers
They were too loud, I figured
Replaced them with a subtle pink lace
Outlining my mask
My intricately designed mask
Perhaps they will notice it this time
Or perhaps, just like before
They won’t even have a clue
That I’m part of the masquerade too
No one notices my mask
My intricately designed mask
Loud colors overshadowing me
Protecting me…preserving me
Tonight I’ll make a new one
An intricately designed mask
And be lost in a sundry of colors
Protecting me…preserving me

By Ivy San Diego (Journals)



Tsinelas

Sa paglipas ng bukang-liwayway
dalangin lamang ay wastong patnubay
na sana sa bawat pagdadantay
ng mga paang namumungay
ay hindi magkagutay-gutay.

‘Pagkat sa talampakan ay inialay
yaring katawang kong tinulay
ng mga daliring nangagsihanay.

At sa dapithapong sisilay
ay ipapahinga ang ngalay nang
mga sakong na nangapilay
sa maghapong paglalaro at paglalakbay.

Sa muli mong paghikab at paghimlay
ako ay muli ring maghihintay
sa pagbabalik ng iyong malay
sa pagbitak ng bukangliwayway.


by Alma Evita Maniago (Content)

Tuesday, March 06, 2007

STANZAS OF STILLNESS

Sa Isang Araw Sa Isang Linggo

ni Alma Evita Maniago (Content)

ang sabi Mo, kailangan pa ring magpahinga.
Pinilit kong tupdin ang nasasaad sa kautusan Mo
at nagbubunyi ang diwa sapagkat sumunod sa Iyo.

Sa paglipas nga ng panahon,
dahan-dahang nagbago ang lahat;
pati ang ikot ng mundo'y pumaindayog.
Paano na ang kautusan Mo?
Paano ko tutupdin ang isinasaad nito?

Pagod na ako sa pamamahinga sa itinakdang araw;
kailangan ko pa kasing lumikom ng buhay.
Ano nga ba’ng kailangang ipagtimbang:
ang utos Mo o ang buhay ng aking mga inakay?

Nakasisiguro ako sa paniniwala ko ––
yaon ang di ko maipagpapahinga.
At kahit siguro masuway ko ang isinaad Mo
at di ipagpahinga ang isang mahalagang araw,
sana malirip Mong ako pa ri’y nananambitan
sa araw na ito ng linggo.

Monday, January 29, 2007

STANZAS OF STILLNESS: PRESENTING, SYRIA DEE

Poems by Syria Dee


Saranggola

Sa kinang nitong tag-araw,
lutang ang kulay kong pinatitingkad ng ulap.
Ngunit ang ganda’y sinusukat sa mas nakaaangat
Kaya iaakyat mo ako sa tayog.
Dahan-dahang palalayain ang pusod-
pising iluluwal ng iyong kamay.
Papailanlang ako sa langit—
sasabay sa lipad ng ibon at ulap
at hahagkan ko ang palad ng Diyos.

Ito na marahil ang rurok:
ang marahang paglapat ng pakpak sa hangin
alinsabay sa mahinhing pag-indak
ng pulsong hapit ng iyong posas.
Hahamunin ng pakpak ang igting ng pisi
at sasalunga sa daluyong ng kawalan.
Humigit at tumutol ka mang pusod
ay bibitaw ako’t bubulusok.

Aanhin pa ang paglipad
kung ang imahen mong kumakalinga
ay di na maaninag?


Holy Weak

You deny
that you carry me
like the world's burden
on your shoulder.
You, a brown Jesus lying
in my bed,
and all I can do
is pray.

A Fairy Tale

This dolly's eye went into the bucket
This dolly's eye dove into my tea
Your blackish hair smells burnt
You really make me happy

My door's locked again
Daddy's playing beat-mommy
Her screams are faint today
What? We have company?
A teeny-weeny Fairy!

Oh! Little fairy
Your light I envy
Your wand can grant you
Any wish you want

Oh! Little fairy
Your flight I envy
Your wings can take you
Anywhere you want

Now, come to me
I'm but a little girl
With wishes to make
Flights to take

Oh! Thank you!
Can I have your wand?
Can I have your wings?

Now, little fairy
With broken wand and broken wings
Do you dare to fly?
Do you dare to wish?

For little fairies and little girls
Are for fairy lands and fairy tales


_______
Syria Dee is the nom de plume of our new resident poet who also happens to be our newly minted Poetry Editor. She was a graduate of the prestigious national workshop for poets, LIRA, in 2005 and is currently working for Journals.

Wednesday, November 22, 2006

STANZAS OF STILLNESS

Ilang Tanong Ni Schiavo*

Tuldok ka bang lilinyang
tuwid sa kahong likha
ng iyong pamamatyag?

Tugtog ka bang sasaliw
sa hirap at lungkot
ng aking paglalayag?

Kung bulaklak mang lanta
ang sa katauhan ko
ay maipapanata
at kung ang bukod-tanging
kuyom na tanikala
sa labi kong pag-asa’y
kapangyarihang pinagkait,
matutuwa ba ako
na tumakas sa dagsin
ng iyong kalupitan?

Iharap mo ang iyong
mukha’t magpakilala -
ang bawat salita mo
ay kutsilyong matalas
na siyang tumatastas
sa sinulid ng aking
pinipita na buhay;
di ko mapagtanto sa
kawalan mo ng pusong
hihingian ng awa.

Manlilikha ka ba na
na siyang makahahatol
sa dulo at hangganan
ng aking abang buhay?

*Teri Schiavo

- Jose Perseus Canivel, SPi Content



Paalam

bawat pindot ng aking mga daliri..
bawat tulo ng luha mula sa aking mata..
bawat hikbi namumutawi sa aking bibig..

Nais ko man ipagpatuloy..
Nais ko man gawin lagi..
Nais ko man ipabasa sa lahat..

May mga bagay na ngtatapos..
May mga pgkakataon nglalaho..
May mga pinto sumasara..

Dalangin kun sino man papalit..
Dalangin nawa'y ang mga salita'y ngmula sa puso..
Dalangin na sana sa pg mulat ng bago sinag ng araw..

ako'y makabalik muli..

- WIZE,
SPi-CAiS



GRUDGE OF HEART

Walking down the street
Bearing a broken heart
The color of the twilight
Covers my microscopic delight, but...

As I gazed in the East
There is a creation
Smiling for me
Caring for me.

The moon! Exhorting my soul
To hold the greatest hope.
The stars that totally vanished
Rekindled their lights and shining on me.

The cool drizzle
Falling down my skin,
Straining my blood
That keeps blazing.

Audible sweet music
Shamelessly echoing around my ears
Meaningful message that I grasp
Let my tears fall down the grass.

How do I bear my heart that cracked?
How do I live without your heart?

- Emil Bombita, Legal

Monday, October 16, 2006

STANZAS OF STILLNESS

Alaala mo MARL, #1

Sa mga nagkalat
na batong bituin
ay natisod na naman
ang aking pag-iisip
at sa pagkakadapa
sa alaala mo’y
nakalublob at
ayaw na waring tumayo!


Alaala mo MARL, #2

Sa paggapang
ng tulirong mag-iisa
hindi makakita
sa pag-asang madilim,
kaya’t pilit kong kinakapa
ang bawat kataga
ng tinapon mong
dagling paalam.


Alaala mo MARL, #5

Sa hinabing
panahon ng limot
itinago ko
ang mga larawan
at pangako mo
datapuwat di-maiwan
itong sisidlang sunong
lagi ng puso’t isip.

__________________________
Jose Perseus Canivel is the Writers Guild's Workshop Manager and Corporate Initiatives Coordinator of CIS.




G.Y.

No laughing on company hours. Looks like you just bought yourself a shift scrubbing the latrines. – Graveyard Shift (1990), Stephen King


What better way to spend an evening
than by keeping awake
when everyone else is on their way to Neverland

Here is a shrouded consciousness unaffected
by vintage videos of Warwick and the Beatles on Youtube

Drowning in reports of suicidal ideation and STDs
by faceless people from across the sea
whose lives make for interesting reading
between sips of stale coffee and biscuits.

Is it about enjoying the solitude unquestioningly
or is this simply to avoid the judgment of people
whom you might end up working with during the day?

July 5, 2006
Manila
Sarimanok Dreams

________________________
Vingel Yago is the nom de plume of an English Editor in HDI.

[ Back to Cover Page ]

Sunday, September 10, 2006

POETRY OF, BY, AND FOR THE PEOPLE

Pobreng Kidney

Isang sakong bigas, isang bayong na asin,
isang kartong Lucky Me, at isang sakong daing—
pasalubong ni Daddy matapos ipagbili
sa presyong singkwenta mil ang kanyang isang kidney.

Yeheey! O Lord! Sa wakas!
Kakain na rin kami!

Kaya’t
dinamihan ko ang kain
ng natural naming pagkain—
kanin at asin.
At mamayang hapunan
ay dadamihan ko rin ang kain
ng epesyal naming pagkain—
kanin at daing.
At bukas sa almusal-pananghalian
ay dadamihan ko rin ang kain
ng pampyesta naming pagkain—
Lucky Me’t kanin.

Nang ako’y mabilis tumubo’t lumaki
at maibenta rin ang isa kong kidney—

Para masigurong ang anim kong utol,
pati na si Mommy, si Lola’t si Baby
ay makakanguyang hindi kukulangin
sa kanin, sa daing, sa Lucky Me’t asin.





Photos by Dylan Yap Gozum. Intramuros, Manila.

Pobreng Patay

Kailan pa kaya ako mamamatay
nang may makain ulit kami?

Kasi nung ma-gang-rape si Ate
habang nagtitinda ng sampagita,
tatlong linggo kaming busog
dahil tatlong linggo rin ang lamay.

Bukod sa malakas ang kita sa abuloy,
malakas rin ang kita ng tong
sa Lucky 9, tong-its at mahjong.

Nabayaran ni Nanay ang utang sa tindahan.
Napaawit si Tatay sa gabi-gabing tagay.
Nakamtan ng anim kong kapatid ang mga pinapangarap na biskwet.
Nag-enjoy ang barangay sa kapeng walang humpay.

Pero dahil mag-iisang taon nang patay si Ate,
lahat na yata kami ay mamamatay na sa gutom.

Pero di bale,
hihigitan ko pa ang kay Ate’ng naibentang mga sampagita
nang ako’y makaipon ng pambili ng sariling kabaong
at nang may makain ulit kami sa makokolektang tong.

____________________________
Alexander de Juan is the Writers Guild's Poetry Editor. He is a Fellow of the 23rd U.P. National Writers Workshop and has received two national awards for his poetry, one from the National Commission for Culture and the Arts, and the other from Home Life publications. His poems appear in publications by the Cultural Center of the Philippines, the National Commission for Culture and the Arts, Philippine Graphic, Home Life and other poetry journals. He is the senior English Editor at HDI.

STANZAS OF STILLNESS


Photo by Dylan Yap Gozum. Alan Fraser Activity Center.


Minsan ako'y tumambay sa canteen ng SPI
Doon sa may computer ako'y nagnilay-nilay
Dinukot ko ang isang silya at sa pila humanay
Pinagmasdan ang mga tao habang naghihintay

Maya't maya pa'y isip ko'y nagka-pakpak
Pumaroo't pumarito may indayog ang lipad
Samut-saring paksa ay kanyang kinalap
At sa mg talata aking ilalahad

Nagpapaligsahan ang tunog ng mga audio
Patuloy na nababasag ang katahimikan ng kanto
Tili at mga sigaw ng magagaspang na musiko
Siyang pinagpipistahan ng mga empleyado

Sa dulo ng cafe, isang lalaking mataba
Bilugan ang mukha, imahe ng isang ama
'Di pa rin makalimot sa hilig pambata
Kaya sa "cartoons" sumusulwak ang tuwa

Si Ining, di rin mapakali sa kanyang "Friendster"
Walang tigil na pinalalakbay ang sampung daliri
Sa mga pepeng letra ng keyboard ng computer
Daig pa ang kapilyuhan ng isang tenedyer

Kanyang pinagtabi-tabi sangkatutak na larawan
Bawat isa'y binubuksan, walang katapusan
"Maghapon man na sila ay tititigan
Sa ugali pa rin makikilala ang kaibigan"

Friendster, anime at mga musikang pasigaw
Ang nagpapagalaw ng kanilang mundo araw-araw
Sapat na ba ang isang dipang tanaw?
Malawak ang mundo, ikaw ay gumalaw

di mo man lamang subukang sulyapan
Ang mga balitang de-pakpak; nagliliparan
At mga kaalamang 'pinupunla ng mga paham
Na siyang humuhubog sa mga bubot na isipan

Iba na ba talaga ang mga tao ngayon
Wari'y tinatawid ang buhay nang paurong
Patulo'y na tumatakbo ang ating panahon
Huwag magpaiwan, ikaw ay bumangon.


________________________
Emil Bombita is a Journalism graduate of Bicol University. He joined the Writers Guild early this year as a member of the Circle of Poets. He is currently connected with SPi Legal.



Photo by Dylan Yap Gozum. Mall of Asia.

ako ito

rock 'n' roll umaga't gabi,
inuman t'wing may pagkakataon,
joke time kaliwa't kanan,
yosi dito, doon at kung saan-saan:
oo ako ito.

payo para sa mga kaibigan,
tulong sa mga nangangailangan,
magtratrabaho hanggang di na kaya,
mga sekreto na kailanman di ilalabas:
oo, ako ito.

ubo't sakit ng ulo,
butong nagtutunugan na parang orkestra,
pilay sa kung saan-saan,
puyat hanggang makakaya:
oo, ako ito.

lungkot na di mailabas-labas,
luha na tumutulo lamang sa diwa,
mga hinaing sa aking isipan,
at sugat sa puso't isipan:
oo, ako ito.

sa bawat tawa, merong iyak;
sa bawat lungkot, merong saya;
sa bawat tagumpay, may kabiguan;
sa bawat sugat, may ginhawa;
bago husgahan, mawari'y isipin muna
kung kilala mo nga bang tuluyan... ako.

— Wize, 08/05/2006
_________________________
WIZE, Resident Poet of the Writers Guild, is a Software Engineer at SPi CAiS.

Monday, August 14, 2006

STANZAS OF STILLNESS (POETRY OF, BY AND FOR THE PEOPLE)

The Writers Guild welcomes its two new Resident Poets. Here's a look at what they have in mind.




Photo by Dylan Yap Gozum (Baywalk, Manila)

My Little Angel

Watch over me from up the clouds
Where you are joined by all things that are good and nice.
Always remind me one way or the other
That I need to be good from the eyes of the One above.
I can't explain why tears are falling from my eyes
When I know that you're much more safer from where you are right now.
Guess that I'm always that selfish one
Who likes everything coming in his way.
Anyway, I'll try to be good. I'll even try to be nice.
Just promise me one thing:
I'll stay in your heart,
Just like you are in mine.
Goodbye for now my angel.

WIZE prefers to be known by his nom de plume. He is connected with SPi's Servisoft (SPS CAS).


Photo by Dylan Yap Gozum (Baywalk, Manila)

KATARUNGANG DI MAKATARUNGAN

Isa kang yurak sa harap ng mga tao
Binabato ng mga kawangis mo
Dambuhalang mga impakto
Na nagbabalat-kayo.
Putikang mga paa
Ang sa iyo'y sumisipa't tumatapak.
Lamang mortal, kaluluwang hiram
Inihahagis sa ningas na impyerno.
Paos mong lalamunan
Lumuluwa ng pagsusumamo
Sa heganteng gobyerno
Na isa ring engkanto

"Laman ng isang paslit
Halinhinan mong dinuhagi
At dinurog ang anghel na budhi.
Ga-butil lang na bait
Ang sa paslit sumagip
Hininga'y di mo inipit
Matapos magpumiglas
Ang awang nalalabi"

Ngayon...
Paano mo hahalungkatin
Ang kaban ng kapatawaran
Malalim na ibinabaon
At ipinagkakait ng inang bayan
Na iyong magulang.
Paano mo lulusawin
Masaklap na kasalanang
Sa iyo'y gumapos at kumunkon
Sa malagim na piita't
Hinihintay ng makamandag na karayom.

Ikaw ay mang-aapi ng isang inosente
Ikaw rin ay dinudusta ng mga disente
Mga buwaya sa silid na "air-con"
Nakangiti't bumebenta ng edukasyon
Kaya sa isipang bubot ikaw ay nakakulong
At naninirahan sa silong
Ng karunungang kakarampot
Kaya kaluluwa mo'y naging bulok
At sa katampalasa'y madaling naalok.

Ngayon...
Ang lason sa dulo ng karayom
Ang totodas sa abang buhay mo.
Udyok ng makasalanang Palasyo
Na hindi kailanma'y umaruga sayo
Lunukin mo na lamang
Ang pait ng katotohanan
Na ikaw ay hikahos at isang karaniwan
Tigang ang utak, kapos sa laban
Di tulad nila, kasalana'y di mo matatakasan
Ikaw ay isasalang sa pangil ng kamatayan

Ngayon...
Inabot mo na ang dulo ng iyong hininga
Di mo maihagis ang agam-agam
Na sumagupa sa iyong kaluluwa
Di ka makausad, naghihintay ng kasama
Hanggang sa masungkit ang mga tinig
Na umaalinagawngaw.
Ibinunbuga ng mga labing makasalanan
Nangagtatawa sa iyong kamatayan
Nagpayabong daw so korona ng katarungan.
Ikaw nama'y naaatat sa pagsipot
Ng mga kaluluwang mayayaman
Mga ganid na alaga ng pamahalaan
Na dumuduhagi sa buong sambayanan
At nagsisihalik sa kaban ng bayan
Hanggang kailan ka magihihintay?
Kailan... Kailan... Kailan?

Emil Bombita is a Journalism graduate of Bicol University. He is currently connected with SPI Legal.

Monday, July 17, 2006

POETRY OF, BY AND FOR THE PEOPLE

Alexander dela Cruz de Juan
English Editor, Healthcare Documentation

BIYAHENG SIDECAR
(Alay sa sidecar boys sa Kalye Estrada, Malate)

Bumiyahe nang konting bagahe;
t-shirt at short ay okey na sa magaang pamamasada.

Tig-isang padyak lang; paa ay dalawa lamang.
Di naman ’to pabilisan kundi papursigihan.

Magpahinga rin paminsan-minsan
nang luminaw ang desisyon sa direksyong pupuntahan.

At di ka naglalakbay nang mag-isa;
may pasahero kang kasama.

Lubak-lubak man ang kalsada
ikaw naman ang gumagawa ng sarili mong daan.

At sa unahan, may magandang pasaherong nag-aabang,
kaya’t ’wag kang tumigil, pumadyak ka lang.

(Mayo 30, 2006)


MUTYA

Ang mutya ng makata
ay para sa mata lamang

Ang tanging pagnanasa ng makata
ay ang hubad na salita
at hindi ang hubad na katawan
ng kanyang mutya.

Alam ng makata
na nananatili ang ganda
ng hubad na kagandahan
kung babasahin lamang
at hindi hahawakan.

Kaya nga't nakasulat sa ilalim
ng naka-eksibit na nude painting:
"PLEASE DO NOT TOUCH."


AKO ANG PRESIDENTE NG AKING SARILI

Inay,
di po ba't sabi n'yo akong pangulo ng sarili ko
pero bakit po sila may Edsa Tres at Kwatro?

Inay,
kung ang pangulo ng bahay
ay ang mabait kong tatay
dahil 'pag sumigaw ako
ng "Ito ang gusto ko!"
sagot n'ya'y "Isipin mo
ang mga kapatid mo."
Kailangan pa ba natin ng Pangulo ng Pilipinas?

Inay,
kung ang presidente ng dyip
ay ang drayber na mabait
dahil 'pag sumigaw ako
ng "Para! Para! Para!"
ay sasagot s'ya,
"Sa Tabi lang po, ha."
Kailangan pa ba natin ng Pangulo ng Pilipinas?

Inay,
kung ako ang presidente ng aking sarili
ba't panagarap po nilang mag-Edsa Beinte-Syete?

(May 1, 2006)