STANZAS OF STILLNESS
NALALABING HIBLA
Ni Rey Tamayo, Jr.
Minsan ako’y kumubli sa tabing ng ilusyon,
Upang takasan ang nahirating kabiguan.
At ang nagpupumiglas
na luha sa mga talukap ng mata,
ay ‘di ko magawang pigilan sa pagdaloy.
Tanging kong karamay sa aking hirap
Na waring hindi naglilikat, ay ang umid kong tinig
Na humihibik sa pagtangis.
Anupa’t niyayamot ako ng dalamhati,
Nilansag ang buo pulutong ng aking ligaya.
Ang aking mukha ay namamaga sa pagtangis,
at nasa aking mga pilik-mata
ang anino at silo ng kamatayan;
Pilit kong nililimot sa aking isipan,
Ang humuhulagpos na pag-asa
Nang iwan ako ng nalalabing hibla ng buhay.
No comments:
Post a Comment