Saturday, December 08, 2007

THE WRITERS GUILD COMMEMORATES HUMAN RIGHTS WEEK


Photo source: Clickthecity.com

Muling ipapalabas ang pelikulang TRIBU sa UP Cine Adarna (Film Center) sa ika-8 ng Disyembre 2007, ganap na alas-7 ng gabi.

BACKGROUND: Nagwagi bilang Best Full-length Film ng Cinemalaya Independent Film Festival 2007, isinisiwalat ng TRIBU ang dahas, rubdob, at salimuot ng Tondo sa pamamagitan ng pagtatanghal ng buhay-gang. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga artista mula mismo sa mga residente ng Tondo at sa mga kasapi ng gang mula rito, higit na napaigting ang pagpaparanas ng pelikula — mula sa madilim ngunit sa isang banda ay makulay na gulo ng lugar, hanggang sa musika ng rap.

WRITER: Ang TRIBU ay isinulat ni Jim Libiran, na siya ring direktor ng pelikula. Nagwagi rin ito sa kategoryang Full-length Screenplay ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2006. Para sa tiket at sa karagdagang impormasyon, maaaring itext si Pam Maranca sa 09197971213 o mag-email sa liraworkshop@gmail.com.

P100 ang isang tiket.

POST-SCREENING: Magkakaroon din ng mini-concert ng mga gangster-rapper na mapapanood sa pelikula at isang symposium ukol sa buhay-gang.

Ang pagpapalabas ng Tribu ay bahagi ng Human Rights week celebration sa UP Diliman. Ang film showing na ito ay handog ng UP Cine Adarna at LIRA, isang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Bahagi ng kita ay mapupunta sa pagpapagamot kay Tata Raul Funilas, isang manggagawa mula sa UP at kasapi rin ng LIRA na may karamdaman sa bituka at tiyan.

No comments: