Monday, August 14, 2006

STANZAS OF STILLNESS (POETRY OF, BY AND FOR THE PEOPLE)

The Writers Guild welcomes its two new Resident Poets. Here's a look at what they have in mind.




Photo by Dylan Yap Gozum (Baywalk, Manila)

My Little Angel

Watch over me from up the clouds
Where you are joined by all things that are good and nice.
Always remind me one way or the other
That I need to be good from the eyes of the One above.
I can't explain why tears are falling from my eyes
When I know that you're much more safer from where you are right now.
Guess that I'm always that selfish one
Who likes everything coming in his way.
Anyway, I'll try to be good. I'll even try to be nice.
Just promise me one thing:
I'll stay in your heart,
Just like you are in mine.
Goodbye for now my angel.

WIZE prefers to be known by his nom de plume. He is connected with SPi's Servisoft (SPS CAS).


Photo by Dylan Yap Gozum (Baywalk, Manila)

KATARUNGANG DI MAKATARUNGAN

Isa kang yurak sa harap ng mga tao
Binabato ng mga kawangis mo
Dambuhalang mga impakto
Na nagbabalat-kayo.
Putikang mga paa
Ang sa iyo'y sumisipa't tumatapak.
Lamang mortal, kaluluwang hiram
Inihahagis sa ningas na impyerno.
Paos mong lalamunan
Lumuluwa ng pagsusumamo
Sa heganteng gobyerno
Na isa ring engkanto

"Laman ng isang paslit
Halinhinan mong dinuhagi
At dinurog ang anghel na budhi.
Ga-butil lang na bait
Ang sa paslit sumagip
Hininga'y di mo inipit
Matapos magpumiglas
Ang awang nalalabi"

Ngayon...
Paano mo hahalungkatin
Ang kaban ng kapatawaran
Malalim na ibinabaon
At ipinagkakait ng inang bayan
Na iyong magulang.
Paano mo lulusawin
Masaklap na kasalanang
Sa iyo'y gumapos at kumunkon
Sa malagim na piita't
Hinihintay ng makamandag na karayom.

Ikaw ay mang-aapi ng isang inosente
Ikaw rin ay dinudusta ng mga disente
Mga buwaya sa silid na "air-con"
Nakangiti't bumebenta ng edukasyon
Kaya sa isipang bubot ikaw ay nakakulong
At naninirahan sa silong
Ng karunungang kakarampot
Kaya kaluluwa mo'y naging bulok
At sa katampalasa'y madaling naalok.

Ngayon...
Ang lason sa dulo ng karayom
Ang totodas sa abang buhay mo.
Udyok ng makasalanang Palasyo
Na hindi kailanma'y umaruga sayo
Lunukin mo na lamang
Ang pait ng katotohanan
Na ikaw ay hikahos at isang karaniwan
Tigang ang utak, kapos sa laban
Di tulad nila, kasalana'y di mo matatakasan
Ikaw ay isasalang sa pangil ng kamatayan

Ngayon...
Inabot mo na ang dulo ng iyong hininga
Di mo maihagis ang agam-agam
Na sumagupa sa iyong kaluluwa
Di ka makausad, naghihintay ng kasama
Hanggang sa masungkit ang mga tinig
Na umaalinagawngaw.
Ibinunbuga ng mga labing makasalanan
Nangagtatawa sa iyong kamatayan
Nagpayabong daw so korona ng katarungan.
Ikaw nama'y naaatat sa pagsipot
Ng mga kaluluwang mayayaman
Mga ganid na alaga ng pamahalaan
Na dumuduhagi sa buong sambayanan
At nagsisihalik sa kaban ng bayan
Hanggang kailan ka magihihintay?
Kailan... Kailan... Kailan?

Emil Bombita is a Journalism graduate of Bicol University. He is currently connected with SPI Legal.

No comments: